^

Bansa

Food security tiniyak

Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Walang magiging problema sa supply ng pagkain sa buong hilaga at gitnang Luzon dahil sa inaasahang masaganang ani sa lalawigan ng Isabela ngayong 2013.

Ito ang tiniyak ni Gov. Bojie Dy ng Isabela dahil sobra-sobra raw ang aanihing pananim ng kanilang lalawigan na hindi lang makakasapat kundi malaking tulong pa sa ibang probinsiya sa kanilang rehiyon.

“Masisipag ang aming mga magsasaka kaya naman pinagpapala ang aming probinsiya ng masaganang ani,” ayon kay Governor Dy.

Pero tinukoy ng go­ber­nador na dahil sa maganda nilang prog­rama sa agrikultura kaya inaasahan ang magandang ani sa kabila ng mga nagdaang kalamidad at iba pang problema sa mga pananim.

Binanggit ni Governor Dy ang inilunsad nilang BRO o Bojie-Rodito Opportunities na kung saan naglaan sila ng 9 point benefit pac­kage para sa maliliit na magsasaka.

Ayon naman kay Vice Gov. Rodito Albano, ang Isabela ay nagawaran ng Gawad Saka Award ng Department of Agriculture, topnotcher din sa produksyon ng palay at mais at may masiglang animal industry at maipagmamalaking fisheries sector.

AYON

BOJIE DY

BOJIE-RODITO OPPORTUNITIES

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

GAWAD SAKA AWARD

GOVERNOR DY

ISABELA

RODITO ALBANO

VICE GOV

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with