Susunod na AFP chief hihirangin

MANILA, Philippines - Hihirangin na ni Pa­ngulong Aquino ang susunod na Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines kaugnay ng napipintong pagreretiro ni AFP Chief of Staff Gen. Jessie Dellosa ngayong Enero.

Sinabi ni Defense Sec. Voltaire Gazmin na pag-uusapan na nila ni PNoy kung sino sa hanay ng mga contenders ang mas higit na karapat-dapat na ma­ging successor ni Dellosa.

Si Dellosa, produkto ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1979 ay magdaraos ng kaniyang ika-56 kaarawan sa Enero 20, ang compulsory age retirement sa AFP.

Ang heneral ay ika-43 CoS ng AFP at ikatlo sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Aquino.

Mahigpit namang nag­lalaban sa hanay ng mga contenders sina Army Chief Lt. Gen. Emmanuel Bautista at Philippine Air Force Chief Lt. Gen. Lino Catalino de la Cruz.

Si Bautista ay pambato ng PMA Class 1981 sa nasabing puwesto habang si de la Cruz ay mula naman sa PMA Class 1980.

Show comments