^

Bansa

Paglikha ng trabaho pinatututukan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinimok ng isang Obispo si Pangulong Aquino na tutukan ang job creation o paglikha ng maraming trabaho para sa mahihirap sa 2013.

Ayon kay Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso, bagama’t sinasabing gumaganda ang ekonomiya ng bansa ay hindi naman aniya ito nararamdaman ng mga maralita.

Bilang katunayan aniya ay marami pa ring mga Pilipino ang lumalabas ng bansa at nakikipagsapalaran sa abroad dahil wala silang nakukuhang trabaho sa Pilipinas.

Iginiit pa ng Obispo na higit na pakatutukan ng pamahalaan ang pagta­taguyod ng mga programa at kabuhayan sa mga kanayunan.

“Ang sinasabi kasi ngayon na ang ating piso ay getting stronger and stronger. Pagkatapos our economy is really brighter and brighter but dumarami ang mga mahihirap. Marami ang mga taong no jobs at all. Hindi nila ito nararamdaman. Siguro upper bracket ay nararamdaman nila ang pag-angat pero sa baba hindi. Katunayan, marami pa rin ang nakikipagsapalaran abroad!” ani Medroso sa panayam.

AYON

BILANG

HINIMOK

IGINIIT

KATUNAYAN

MARAMI

MEDROSO

PANGULONG AQUINO

TAGBILARAN BISHOP LEONARDO MEDROSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with