^

Bansa

2 lolong preso binigyan ng executive clemency

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang matandang preso ng New Bilibid Pri­son ang pinagkalooban ni Pangulong Aquino ng exe­cutive clemency.

Kinilala ni Justice Secretary Leila de Lima ang dalawang binigyan ng commutation of sentence na sina Arsenio Flores, 72, na ibinaba sa 7 hanggang 12 taon ang hatol na pagkakakulong mula sa 8 hanggang 14 na taon, at Francisco Alimpos,73, na ibinaba sa 10 hanggang 15 taon ang hatol mula sa 12 hanggang 20 taon.

Sinabi ni de Lima na matapos pagkalooban ng commutation of sentence, kwalipikado na ang dalawang nabanggit na bilanggo na mag-apply para mabigyan ng parole upang makalaya.

Mahigit limang taon nang bilanggo si Flores matapos mahatulan ng mahigit 8 taong pagka­kakulong sa kasong mur­der habang mahigit 9 taon na sa bilangguan si Alimpos na nahatulang makulong ng mahigit 12 taon kaugnay sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

ALIMPOS

ARSENIO FLORES

DALAWANG

DRUGS ACT

FRANCISCO ALIMPOS

JUSTICE SECRETARY LEILA

KINILALA

NEW BILIBID PRI

PANGULONG AQUINO

REPUBLIC ACT

TAON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with