Sundalong magpapaputok ng baril, sisibakin
MANILA, Philippines - Sisibakin ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Jessie Dellosa ang mga sundalong magpapaputok ng baril kaugnay ng pagsalubong sa Bagong Taon.
Ayon kay AFP Deputy Chief for Public Affairs Office Major Emmanuel Garcia, bawal sa mga sundalo ang gamitin ang kanilang mga armas sa pagsalubong sa pagpapalit ng taon.
Ipinunto nito na bahagi ito ng pagtalima sa kautusan ng AFP Chief sa mapayapang pagsalubong sa Bagong Taon upang makaiwas na makadisgrasya lalo na ng mga inosenteng sibilyan.
Aniya, maari namang salubungin ang Bagong Taon na hindi na kailangang magpaputok ng baril tulad ng paggamit ng mga torotot at iba pang mga pampaingay na tradisyunal na ginagawa ng milyong Pilipino kada taon.
- Latest


















