^

Bansa

Paghandaan – DENR: Mas malakas na bagyo sa 2013

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa pagpasok ng taong 2013, kailangang paghandaan ng publiko ang malakas na unos, para maiwasang maulit ang pinsalang iniwan ng bagyong Pablo.

Ito ang payo ni Department of Environment and Natural Resources (DENR)  Sec. Ramon Paje na nauna nang nagdeklara na ang malakas na bagyo ay tinawag niyang “bagong pangkaraniwan” nang nangyayari na dapat na matutunang tanggapin at paghandaan ng mga Filipino.

“We must accept the fact that because of climate change, the typhoons have become much stronger and the volume of rainfall has increased tenfold,” sabi ni Paje.  

Sinabi ni Paje, ang “bagong pangkaraniwan” ay dapat ikonsidera ng publiko sa kanilang pagpapagawa ng tahanan at gusali.

“We therefore recommend that all houses and public buildings to be constructed must have the ability to survive strong winds and storm surge. We have to make sure that new buildings are able to resist the effects of typhoons and floods,” aniya.

Muling inulit ni Paje ang kanyang panawagan para sa mahigpit na implementasyon ng local na pamahalaan sa pagbabawal sa mga taong magtirik ng bahay sa tinaguriang permanent danger zones na natukoy ng departamento para mapagaan ang epekto ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Ani Paje, ang pagkawasak ng maraming bahay ay dapat magmulat sa mga LGUs na pag-aralan ang kanilang mapa na inihanda ng DENR mines and Geosciences Bureau para matukoy ang mga lugar na binabaha at may pagguho ng lupa sa kanilang nasasakupan.

“Once again, we are appealing to the LGUs to please read carefully and familiarize themselves with the geohazard maps, and use them not only for planning but more importantly to save lives,” giit ni Paje.  

Ang DENR ay namahagi ng may 70,000 geohazard maps sa may 42,000 barangays sa bansa. Ang mapa ay maari ding makita sa website ng departamento.

 

ANI PAJE

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

GEOSCIENCES BUREAU

PAJE

RAMON PAJE

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with