^

Bansa

‘Iwas Paputok’ motorcade ni Maganto umarangkada

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bunsod na rin ng inaasahang kaliwa’t kanang pagpapaputok bilang pagsalubong sa Bagong Taon, nagsagawa ng motorcade si Manila 5th district Congressional candidate Faith Maganto.

Sa kanyang adhikain na pagmamahal at pagmamalasakit sa Manilenyo sa nasabing distrito, naglibot si Maganto kasama ang mga bumbero upang paalalahanan ang mga residente ng ika-5 distrito na maaaring ipagdiwang ang New Year’s eve ng matiwasay.

Nagpaalala rin si Maganto na iwasan ang paggamit ng mga malalakas na uri ng paputok upang maiwasan ang anumang disgrasya.

Nabatid na layunin ng Have Faith Volunteer sa pangunguna ni Maganto na maging maayos at payapa ang selebrasyon ng pagsalubong sa  taong 2013 kung saan namahagi ng torotot na alternatibong gamit pampaingay.

Umikot si Maganto sa Baseco Compound sa Port Area, Intramuros, San Andres, Pasig Line, Tejeron at ilan pang mga karatig na sakop ng ika-5 distrito.

Nabatid na ma­ging ang Department of Health ay nagbabala na sa publiko, na mag-ingat sa mga malalakas na paputok na magdudulot lamang ng kapahamakan  na maaaring makaputol ng kamay at ang pagbabanta ng sunog.

vuukle comment

BAGONG TAON

BASECO COMPOUND

DEPARTMENT OF HEALTH

FAITH MAGANTO

HAVE FAITH

MAGANTO

NABATID

NEW YEAR

PASIG LINE

PORT AREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with