^

Bansa

Libu-libo nakalibre sa LRT

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Libu-libong commu­ters ang nakinabang sa libreng sakay na ipinagkaloob ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 at 2 kasabay ng pagdiriwang ng Rizal Day kahapon.

Ayon kay LRT Autho­rity (LRTA) spokesman Atty. Hernando Cabrera, mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga pa lamang ay umabot na sa 37,688 commuters ang nakalibre ng pamasahe sa LRT 1 (Monumento-Baclaran).

Tinatayang nasa 12,261 naman ang nakalibre sa LRT Line 2 (Recto-Santolan).

Hindi pa kasama sa nasabing bilang ang libu-libong pasaherong nakalibre ng sakay mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

Nabatid na ang lib­reng sakay na ibinigay ng LRT ay bahagi ng pakikiisa sa paggunita sa ika-116 na anibersaryo ng kabayanihan ni Dr. Jose Rizal kahapon.

Nagpapasalamat naman ang mga commuters sa pamunuan ng LRT dahil nakatipid sila ng pamasahe.

vuukle comment

AUTHO

AYON

DR. JOSE RIZAL

HERNANDO CABRERA

LIBU

LIGHT RAIL TRANSIT

LRT

MONUMENTO-BACLARAN

NABATID

RIZAL DAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with