Trabaho para sa mga ex-con itinutulak ng mag-inang Arroyo
MANILA, Philippines - Dahilan na rin sa hirap na dinaranas ng mga dating bilanggo sa paghahanap ng trabaho kaya isinusulong ng mag-inang Arroyo ang pagkakaroon ng prisoners employment program.
Sa House Bill 6716 na inihan nina Pampanga Rep. Gloria Arroyo at Camarines Sur Rep. Dato Arroyo, dapat na mabigyan ng oportunidad ang mga dating inmates na makapasok sa trabaho.
“Former prisoners, once they are out and back in mainstream society, are considered at a crossroad in life,” ayon sa batang kongresista.
Paliwanag pa ng mag-ina, mayorya ng mga nanggaling sa loob ng kulungan ang nahihirapang makapasok sa trabaho dahil sa kanilang naging record sa pulisya na kadalasang ginagawang batayan ng mga employers sa pagkuha ng empleyado o tauhan.
Dahil dito ay lalo pang nahihirapan ang mga dating bilanggo na makabalik sa sosyedad na siya pang nagtutulak sa mga ito na gumawa muli ng hindi maganda.
Sa ilalim ng panukala, magkakaroon ng Committee on Employment Opportunities for Former Prisoners na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Justice.
Ang komite ang responsable sa pagbuo ng implementing rules and regulations para sa training at pagbibigay trabaho sa mga dating inmates.
Maglalaan din ng insentibo sa mga pribadong kumpanya o establisimiento na kukuha ng serbisyo ng mga dating bilanggo tulad ng karagdagang bawas sa gross income tax na katumbas ng 15% sa total amount ng sahod ng tauhan.
- Latest