^

Bansa

Pinay dinukot sa Yemen, nasagip din matapos ang 2-oras

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 20-anyos na Overseas Filipino Worker (OFW) na nagtatrabaho bilang nurse ang dinukot sa Sanaa, Yemen suba­lit nailigtas din matapos ang isinagawang rescue operations ng Yemeni authorities.

Base sa report na nakarating sa Department of Foreign Affairs (DFA), kinilala ang OFW na si  Annie Jones,  nurse sa isang government hospital sa Sanaa, ang pinakama­laking syudad sa Yemen. 

Sinabi ni Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez, inatasan na ang Embahada ng Pilipinas na tingnan ang kalagayan ng nasabing Pinay sa Yemen at tiniyak na mabibigyan ito ng kaukulang tulong.

Nabatid na agad na nagsagawa ng rescue operations ang Sanaa security services at matapos ang dalawang  oras na pagtangay kay Jones ay matagumpay siyang nailigtas kasabay ng pagkaka-aresto sa dalawang abductors.

Si Jones ay puwersa­hang kinaladkad umano pasakay sa isang sasak­yan ng dalawang armadong lalaki sa Hadda Street sa Sanaa noong Linggo.

Mabilis na natunton ng mga awtoridad ang Suzuki Vitara na get-away vehicle ng mga abductors sa isang highway sa Sanaa sanhi ng pagkakadakip sa mga kidnaper at pagkakasagip sa Pinay.

Nabatid na ito na ang ikalawang kaso ng kidnapping sa mga dayuhan matapos lamang ang 48-oras sa nasabing rehiyon.

Bukod sa nasabing Pinay, pinaghahanap din ng security forces ang da­lawang Finns at isang Austrian na umano’y kinidnap din noong Biyernes ng mga hinihinalang kasapi ng international terrorist group Al-Qaeda.

ANNIE JONES

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

FOREIGN AFFAIRS SPOKESMAN RAUL HERNANDEZ

HADDA STREET

NABATID

OVERSEAS FILIPINO WORKER

PINAY

SANAA

SI JONES

SUZUKI VITARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with