Mga pulis na magpapaputok ng baril, sisibakin
MANILA, Philippines - Binalaan kahapon ni PNP Chief P/Director Alan Purisima ang mga pulis na masasangkot sa indiscrimate firing o walang habas na pagpapaputok ng baril na masisibak sa serbisyo kaugnay ng pagsalubong sa Bagong Taon.
Sa press briefing sa Camp Crame, binalaan ni Purisima ang 148,000 puwersa ng pulisya at maging ang mga opisyal nito na huwag magpaputok ng baril sa pagsalubong sa Bagong Taon upang maiwasang makadisgrasya ng mga sibilyan.
Ayon kay Purisima, agad niyang ipasasalang sa summary dismissal ang mga pulis na mapapatunayang nagpaputok ng kanilang service firearms at maging ng mga personal na baril ng mga ito.
“Firing the firearms during new year celebration is prohibited lalo na sa mga pulis they will be charge for illegal discharge of firearms criminally administratively his conduct gross misconduct so hindi lang sila sisibakin, tatanggalin sila sa pwesto and we will make sure that they cannot go back to the service,” giit pa ni Purisima.
Kaugnay nito, hinikayat din ni Purisima ang publiko na i-report sa PNP sa pamamagitan ng pagte-text sa 09178475757 ang mga magpapaputok ng baril upang mahuli ang mga ito at ng maiwasang makapambiktima.
- Latest