^

Bansa

Hiling ng bibitaying OFW: ‘Buhay ko, pamasko ko’

Ellen Fernando - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Muling umapela ng tulong ang isang overseas Filipino worker (OFW) na nangangailangan ng P44 milyong blood money upang masagip siya sa bitay sa Saudi Arabia.

Si Joselito Zapanta, 33-anyos, ay binigyan lamang ng taning ng hanggang Marso 2013 upang maibigay sa pa­milya ng kanyang napatay ang nasabing blood money.

Ayon kay Vice President Jejomar Binay, ang pagiging likas na mapagbigay ng mga Pinoy lalo na ngayong Kapaskuhan na panahon ng pagbibigayan ay magiging daan upang mailigtas sa kamatayan si Zapanta.

Sinabi ni Binay, tumatayo ring Presidential Adviser on OFW Concerns na nitong nakalipas na linggo ay isang “Good Samaritan” ang nag-donate ng halagang P1 milyon para sa pondo (blood money) habang nag-am­­bag-ambag ang 400 pamilya ng mga OFWs sa isang Christmas party na inorganisa ng Blas F. Ople Center sa pamumuno ni Susan Ople bilang tulong para sa nililikom na blood money

Maging ang lokal na pamahalaan ng Pam­ panga ay gumagawa rin ng “fund drive” para kay Zapanta na tubong Bacolor, Pampanga.

Ipinaliwanag ni Binay na ang pamilya ni Za­panta ay nahaharap nga­yon sa malaking ha­mon sa buhay dahil sa paghahanap ng pondo para sa nasabing blood money matapos na big­yan lamang sila ng apat na buwan upang makumpleto ito at hindi ma­tuloy ang eksekusyon.

Nabatid na isang mahirap na pamilya lamang si Zapanta kung saan ang 50-anyos na ina nito ay isang housewife na may iniinda pang sakit habang ang ama ay part-time na karpinteryo.

Ang pamahalaan ay naglaan na ng P4 milyon bilang ambag para sa blood money ni Zapanta na idineposito ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh sa Saudi Arabia kasama na ang P1 mil­yon na donasyon ng isang indibiduwal. 

Sinabi ni Binay na ang nasabing P4 milyon  mula sa Phl government assistance fund ay ang nakalaan at ibinibigay para sa blood money cases.

Si Zapanta na nagtu­ngo sa Saudi noong 2007 ay nahatulan ng bi­tay matapos na mapatay at pagnakawan nito ang kanyang Sudanese landlord matapos ang isang mainitang pagtatalo no­ong 2009.

Napigil ang pagbitay kay Zapanta noong Nob­yembre 14, 2012 matapos na pumayag ang pamilya ng biktima na mapalawig ng hanggang apat na buwan ang palugit upang maipasa sa kanila ng pamilya Zapanta ang nasabing blood money.

BINAY

BLAS F

BLOOD

GOOD SAMARITAN

ISANG

MONEY

OPLE CENTER

SAUDI ARABIA

SHY

ZAPANTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with