Overpriced na pang-noche buena isumbong - DTI
MANILA, Philippines - Muling hinikayat ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko na magsumbong sa kanilang ahensya ukol sa mga nabibiling sobrang mahal na produktong pag-noche buena.
Ito ang panawagan kahapon ni DTI Undersecretary Zenaida Maglaya sa lahat ng mga consumers na may reklamo sa kanilang nabiling produkto ngayong Kapaskuhan.
Sinabi ni Maglaya, anumang araw at oras ay bukas ang kanilang tanggapan para sa reklamo lalo na ngayon na kaliwa’t kanan ang nagaganap na Christmas shopping.
Paalala pa ni Maglaya na maaaring iparating ang mga reklamo sa kanilang hotline na 751 -3330 o sa 0917-834-3330.
Sa kabila nito, ipinahayag ng DTI na stable pa rin hanggang sa ngayon ang presyo ng mga produktong pang-noche buena.
Batay sa kanilang monitoring, pasok pa rin sa kanilang suggested retail price (SRP) ang presyo ng mga bilihing panghanda.
Tiniyak nito na patuloy ang pag-iikot ng kanilang mga tauhan para mabantayan ang presyo ng mga produktong pang-noche buena.
Maging sa malalaking pamilihan sa Baclaran at Divisoria ay bantay sarado sa kanilang mga tauhan dahil hindi umano maiwasan na manamantala ang mga negosyante na magbenta ng dobleng presyo ng kanilang mga produkto.
- Latest