Industriya ng tobacco nagluksa sa Sin Tax Law
MANILA, Philippines - Nagluluksa ang mga magsasaka ng tobacco sa ginawang paglagda ni Pangulong Aquino sa Sin Tax Law na hudyat na umano ng pagkamatay ng kanilang industriya.
Ayon kay Saturnino Distor, president ng Philtobacco Growers Association (PTGA), nakikita na nila ang pagpanaw ng industriya ng tobacco sa bansa na nagbigay sa kanila ng hanapbuhay sa loob ng mara ming dekada
“Kami ay nagluluksa dahil ito na ang simula ng pagpanaw ng industriya ng tabako sa ating bansa,” ani Distor.
Ayon kay Distor makakaranas ng “double whammy” ang mga magsasaka ng tobacco sa excise tax law na magpapataw ng mas mataas na buwis sa mga lokal na brands ng sigarilyo.
Muling iginiit ni Distor na mas napapaboran sa excise tax law ang mga imported brands dahil sa tax reductions samantalang aabot naman sa 1,000 porsiyento ang ipapataw sa mga lokal na sigarilyo.
Una ng sinabi ni Distor na posibleng mawala na sa merkado ang mga mumurahing brand ng sigarilyo dahil sobrang tataas ang presyo nito sa bagong sin tax law.
Tinanggal din umano ng Kongreso ang probisyon na magbibigay ng tulong sa mga magsa saka ng tobacco na mawawalan ng trabaho.
“They did not listen to any of our appeals. Our only weapon left is through the ballot,” ani Distor.
- Latest