^

Bansa

Firecracker zone sa Caloocan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Upang makaiwas sa anumang aksidente sa pagsalubong sa bagong taon ay mahigpit na ipatutupad ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang “firecracker zone” sa bawat barangay sa buong lungsod.

Ayon kay Echiverri, ang paraang ito ang naisip ng lokal na pamahalaan upang makaiwas sa anumang posibleng aksidente ang mga residente sa pagsalubong ng mga ito sa pagdating ng taong 2013.

Sa pamamagitan ng “firecracker zone”, magtatakda ang lokal na pamahalaan ng mga lugar sa bawat barangay kung saan maaari lamang magpaputok ang mga residente upang maiwasan ang maka-aksidente habang nagpapaputok.

Ang sinumang mahuhuli ay nakatakdang parusahan base na rin sa nakasaad sa batas kaya’t pinayuhan ni Echiverri ang mga residente na sumunod na lamang sa kautusan upang hindi na maperwisyo.

Kaugnay nito, naki­pag-ugnayan na rin si Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President, Councilor Ricojudge “RJ” Echiverri sa lahat ng opisyal ng barangay sa buong lungsod upang maipatupad ng maayos ang “firecracker zone”.

AYON

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

COUNCILOR RICOJUDGE

ECHIVERRI

KAUGNAY

LIGA

PILIPINAS PRESIDENT

RECOM

UPANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with