Loren nanguna sa SWS
MANILA, Philippines - Ikinatuwa ng Nationalist Peoples Coalition (NPC) ang muling pangunguna ni Sen. Loren Legarda sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS).
Sinabi ni Valenzuela City Rep. Rex Gatchalian, NPC spokesman, ipinamalas lamang ni Sen. Legarda na siya pa rin ang paboritong kandidato sa pagiging senador ng taumbayan.
Nanguna si Legarda na may 68 percent sa SWS survey nitong Nov. 29-Dec. 3 kung saan ay kasunod niya si Sen. Chiz Escudero na may 61% sinundan ni Sen. Alan Peter Cayetano na may 58% at ikaapat naman si former Las Piñas Rep. Cynthia Villar na may 51 percent.
Panglima si San Juan Rep. JV Ejercito kasunod si Sen. Koko Pimentel Jr. at Cagayan Valley Rep. Jackie Enrile.
Nasa 8th slot naman si Sen. Gringo Honasan kasunod ang panganay na anak ni Vice-President Jejomar Binay na si Nancy Binay at dating Sen. Juan Miguel Zubiri.
- Latest