^

Bansa

P7M smuggled agri products naharang

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

 

MANILA, Philippines - Mahigit sa P7 mil­yong pisong smuggled agricultural products ang nasakote kahapon ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Manila International Container Port (MICP).

Ayon kay Commissioner Ruffy Biazon ang naturang mga illegal na agricultural products tulad ng mga gulay, patatas at carrots ay nagmula sa bansang China at dumating sa MICP noong Nobyembre 14, 2012. Nabatid na ang consignee nito ay ang Marbatan Enterprises at Green Meadow Enterprises.

Ayon kay Biazon, unang idineklara na ito ay mga kagamitan sa kusina na nakalagay sa tatlong 40-footer container van.

Subalit nang inspeksiyunin ang naturang kargamento, naglalaman ito ng mga gulay, patatas at carrots na nagkakahalaga ng P7.5 million.

Kung kaya’t kaagad na kinumpiska ang naturang mga produkto at posibleng maharap sa kasong anti-smuggling ang Marbatan Enterprises at Green Meadow Enterprises.

AYON

BIAZON

BUREAU OF CUSTOMS

COMMISSIONER RUFFY BIAZON

GREEN MEADOW ENTERPRISES

MAHIGIT

MANILA INTERNATIONAL CONTAINER PORT

MARBATAN ENTERPRISES

NABATID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with