^

Bansa

Poultry meat sinunog ng BOC

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinunog ng Bureau of Customs (BoC) ang  tinatayang aabot sa 60 tonelada ng mga smuggled poultry meat na nagkakahalaga ng P40 million sa First Link Container Yard sa Manila North Harbour kahapon.

Ayon kay Customs Commissioner Ruffy Bia­zon, ito’y upang matiyak na hindi maipupuslit palabas sa merkado ang mga kotrabandong ito lalo na at malapit na ang Pasko.

Sinabi ni Biazon na sa pamamagitan nito ay  maiiwasan ang anumang pagkakasakit ng  publiko mula sa mga puslit at kontaminadong pagkain na maaaring ihanda ngayong Yuletide season.

Aniya, doble ang kani­lang ginagawang monitoring at checking upang hindi malusutan ngayong holiday season ng mga sindikato at mga mapagsamantalang negosyante.

Nabatid na lulan ng dalawang containers ang P40 milyong halaga ng kontrabando na galing sa China at idineklara ng consignee na HEXA Trading bilang frozen mackerel subalit nasabat ng Customs nang idaan ito sa x-ray machines.

ANIYA

AYON

BIAZON

BUREAU OF CUSTOMS

CUSTOMS COMMISSIONER RUFFY BIA

FIRST LINK CONTAINER YARD

MANILA NORTH HARBOUR

NABATID

PASKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with