UNA bets nanguna sa Pulse Asia
MANILA, Philippines - Kinopo ng mga kandidato ng United Nationalist Alliance (UNA) ang resulta ng latest survey ng Pulse Asia.
Sa survey na isinagawa mula November 23-29 sa 1,200 respondents, lumilitaw na pito sa 12 senatorial slots sa 2013 ay maaring makopo ng UNA.
Muling nanguna si Sen. Chiz Escudero sa 74.1 percent habang nakakuha si Sen. Loren Legarda ng 68.3 percent. Kapwa guest candidate ng administration coalition at United Nationalist Alliance (UNA) ni Vice-President Jejomar Binay sina Escudero at Legarda.
Pasok din sa magic 12 ang limang UNA senatorial bets na sina San Juan Rep. JV Ejercito (4th place), may 57 percent at Rep. Juan Ponce “Jack” Enrile Jr., (5th) na may 53.2 percent, Sen. Gregorio Honasan (8th) habang ang anak ni Vice President Jejomar Binay na si Nancy ay umakyat sa 9th place (41.3 percent).
Si dating Sen. Migs Zubiri naman ay pumasok sa 12th slot.
Ang iba pang UNA candidates na nasa top 20 ay sina dating Senator Richard Gordon (14th), Grace Poe-Llamanzares (17th), former Senator Ernesto Maceda sa 19th at Margarita “Tingting” Cojuangco sa 20th place.
- Latest

















