^

Bansa

Patay kay ‘Pablo’ aabot sa 1,600

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aabot sa mahigit 1,600 ang namatay sa bagyong Pablo matapos umakyat na sa 714 bangkay ang narekober ng search and retrieval team habang nasa 890 pa ang nawawala.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos, tumaas ang bilang ng mga nawawala habang nasa 110 naman ang nasagip at nadagdagan rin ang mga nasugatan na nasa 1,906.

Sa 714 nasawi ay 457 na ang nakilala habang nasa 257 naman ang hindi pa rin batid ang pagkakakilanlan at hindi pa nakukuha ng kanilang mga kamag-anak.

Pinakamarami ang naitalang nasawi sa Region 11 partikular sa Davao Oriental at Compostela Valley na tumaas sa 663. 

Nilinaw naman ng NDRRMC taliwas sa unang ulat nito na umaabot sa mahigit P8 bilyon ay nasa P7.116 bilyon na ang pinsala sa imprastraktura at agrikultura na patuloy rin sa pagtaas.

Aabot naman sa 20 tulay at siyam na mga pangunahing kalsada ang hindi pa rin madaanan habang nasa anim na lugar ang dumaranas ng kakapusan sa supply ng tubig.

Samantala, hindi na gagamitin pa ng PAGASA ang pangalang Pablo sa mga darating na mga bagyo na tatama sa bansa bunsod na rin ng malaking pinsala na idinulot nito sa Visayas at Mindanao.

Una nang nabura sa talaan ang mga bagyong may pangalang Sendong, Pedring, Mina, Juaning at Bebeng dahil din sa laki ng pinsala na naidulot sa mamamayan at mga ari-arian.

May 144 pangalan ng bagyo ang nakatala sa PAGASA ngayon na kanilang gagamitin hanggang sa taong 2024. (May ulat ni Angie dela Cruz)

 

AABOT

ANGIE

AYON

BEBENG

COMPOSTELA VALLEY

CRUZ

DAVAO ORIENTAL

EXECUTIVE DIRECTOR BENITO RAMOS

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with