^

Bansa

HSWs reform package sa Malaysia, ipapatupad

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakatakdng ipatupad ng pamahalaan sa Ene­ro 2013 ang Household Service Workers (HSWs) reform package program na magbibigay ng proteksiyon sa lahat ng manggagawang Pinoy na nais magtungo at magtrabaho sa Malaysia.

Kaugnay nito, tiniyak ni Salvador “Buddy” Curameng, pangulo ng Philippine Association of Manpower Agencies for Malaysia Affiliates (PA­MAMA), na susunod sila sa polisiya ng pamahalaan o sa RA 10022 at sa POEA Implementing Guidelines na No Placement Fee, No Salary Deduction at pagbibigay ng minimum na $400 monthly salary sa mga HSWs.

Ayon kay Curameng, ang sinumang recruitment o deployment agency na lalabag sa HSWs reform package program ay pagmumultahin at kakanselahin ng DOLE at POEA ang kanilang mga lisensiya.

Siniguro rin niya na mahigpit na babanta­ yan ng PAMAMA at ng kanilang counterparts sa Malaysia sa pamumuno ni Dato Raja Zulkepley, presidente ng Malaysia National Association of Employment Agency, ang implementasyon ng HSWs reform package program.

Nagkaroon na ng Memorandum of Agreement (MOA) signing kamakailan ang grupo ni Curameng at Zulkepley para sa mahigpit na pagpapatupad HSWs reform package program ng DOLE at POEA.

Nakipagkita rin kama­kailan ang mga opis­yal ng PAMAMA kay Sec. Baldoz at tiniyak nila sa kalihim na susunod sila at ang kanilang counterparts sa HSWs reform package program.

 

CURAMENG

DATO RAJA ZULKEPLEY

HOUSEHOLD SERVICE WORKERS

IMPLEMENTING GUIDELINES

MALAYSIA AFFILIATES

MALAYSIA NATIONAL ASSOCIATION OF EMPLOYMENT AGENCY

MEMORANDUM OF AGREEMENT

NO PLACEMENT FEE

NO SALARY DEDUCTION

PHILIPPINE ASSOCIATION OF MANPOWER AGENCIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with