^

Bansa

Libong sako ng bigas para kay ‘Pablo’ inihanda ng Isabela

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi man tinamaan ng bagyong Pablo, naghanda pa rin ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela para sa magiging epekto ng malakas na bagyo na nananalasa ngayon sa Mindanao at Visayas region.

Ito ang kinumpirma ni Governor Faustino ‘Bojie’ Dy III para makatulong ang kanilang probinsiya sa mga maaapektuhan ng bagyong Pablo na ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC ay maitutu­ring na super typhoon dahil sa bitbit nitong lakas na hangin at malawak na mga pag-ulan.

Dagdag pa ni Gov. Dy, sa DSWD nila ibibigay ang isang libong sako ng bigas at bahala na umano ang nabanggit na ahensiya sa pamamahagi nito sa mga apektadong lugar.

“Alam namin sa Isabela ang pinagdadaanan ng ating mga kababayan ngayon na may malakas na bagyo dahil kami man ay dumaan din sa ganitong sitwasyon sa mga nagdaang panahon,” sabi ni Dy.

Iginiit naman ni Isabela Vice Governor Rodito Albano na hindi na bagong bagay ang donasyon na kanilang ibinibigay sa panahon na may mga lugar sa bansa ang binabayo ng bagyo at iba pang mga kalamidad.

Ang Isa­bela ay panga­lawa sa pinakamalaking probinsiya sa Pilipinas at nakahanay ito sa 10 pinakamayayamang lalawigan sa bansa.

ALAM

ANG ISA

BOJIE

DAGDAG

GOVERNOR FAUSTINO

IGINIIT

ISABELA

ISABELA VICE GOVERNOR RODITO ALBANO

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with