^

Bansa

‘Inosente’ damay sa Comelec hit list

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pumalag si Cagayan 1st District Rep. Juan “Jack” C. Ponce Enrile, Jr. sa ginawang “pagmasaker” noong isang linggo ng Commission on Elections (Comelec) sa listahan ng mga grupong kasali sa party-list system kung saan 37 sa mga ito ang winalis ng poll body sa listahan.

“As it is, last week’s ‘massacre’ of the party-list rank includes the ‘guilty,’ those that raise suspicion and the ‘innocents’ as well,” ani Enrile sa pahayag sa media.

Sabi ni Enrile, may batayan ang mga reklamo na hindi masinop at maayos ang ginagawang “pagpurga” ng Comelec sa listahan ng mga dapat sibakin at puwedeng tumakbo sa darating na halalan.

Partikular na tinukoy ni Enrile ang pagkasama ng ‘Butil Farmers Party’ sa listahan ng 37 party-list na biglang napasok sa Comelec “hit list” bagaman kabilang na ito sa Kongreso sapul pa noong 1998 election.

Kasama ng Butil ang ‘Binhi’ (Partido ng Magsasaka para sa Magsasaka) sa mga representante ng ‘marginalized sector’ ng mga magsasaka na tinanggalan ng akreditasyon ng Comelec noong isang linggo.

Nagbabala rin si Enrile na posibleng madiskaril ang superbisyon ng Comelec sa darating na eleksyon sa dami ng mga reklamong kinakaharap nito ngayon sa korte partukular na sa Korte Suprema.

BINHI

BUTIL FARMERS PARTY

COMELEC

DISTRICT REP

ENRILE

KORTE SUPREMA

MAGSASAKA

PONCE ENRILE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with