^

Bansa

Local chicken industry pinapatay ng BOI

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binatikos ng hog at poultry industry ang naging desisyon ng Bureau of Investment (BOI) na payagang makapasok sa bansa ang Thai-owned Charoen Pokp­hand (CP) na siyang papatay sa local chicken poultry industry sa bansa.

Ayon kay Abono Partylist Rep. Rosendo So, ang hakbang na ito ng BOI ang kikitil sa local hog at poultry industry kung saan ang CP project ay magtatayo ng parent stock farm sa Tarlac at Pangasinan bukod sa 6 na broiler farm naman sa Bulacan at Nueva Ecija na magsisimula ang operasyon sa Pebrero 2013.

Sinabi pa ni Rep. So na director din ng Swine Deve­lopment Council, nagsisimula pa lamang makabangon ang swine at chicken industry mula sa malawak na meat smuggling na nagresulta sa pagkalugi nila ng mahigit P28.5 bilyon sa nakalipas na 3 taon.

Aniya, ang pag-apruba ng BOI sa CP project sa bansa ay parang tinamaan ng tsunami ang local hog at chicken industry kung saan ay mamamatay na rin ang mga small-scale at backyard growers.

Pinagkalooban pa ang CP ng mga tax holidays na hindi man lamang naranasan ng mga local growers.

ABONO PARTYLIST REP

ANIYA

AYON

BINATIKOS

BULACAN

BUREAU OF INVESTMENT

CHAROEN POKP

NUEVA ECIJA

ROSENDO SO

SWINE DEVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with