^

Bansa

MOA para sa OFWs nilagdaan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Upang matiyak ang kapakanan ng mga overseas Filipino workers, lumagda ang Overseas Placement Association of the Philippines, Inc. (OPAP), ang pinakamalaking orga­nisasyon ng mga lisensiyadong overseas employment services provider na mayroong  500 miyembro, sa Pioneer Life, Inc. at Pioneer Insurance and Surety Corporation, alinsunod sa nakasaad sa Republic Act No. 10022.

Ang signing ay pina­ngunahan nina Romeo P. Nacino, OPAP chairman; Eduardo T. Mahiya, OPAP President; Ma. Consuelo A. Banes at Yangtze P. Quin, kapwa First Vice Presidents, ng Pioneer Life, Inc. at Pioneer Insurance & Surety Corporation.

Sa ilalim ng R.A. 10022, “An Act Amending Republic Act No. 8042, o Migrant Workers and Overseas Filipinos Act Of 1995, nais nitong mas mapatibay ang pagbibigay ng  seguridad sa mga OFWs kung saan inaatasan ang mga lisensiyadong recruitment agencies na maglaan ng compulsory insurance coverage para sa OFWs.

Ang compulsory insurance coverage ay kinabibilangan ng minimum (a) accidental death, na umaabot sa US$ 15,000 sa mga naulila ng OFWs; (b) natural death na US$ 10,000 na ibibigay sa mga naulila at bene­pisyaryo ng migrant workers; (c) permanent total disablement, na nagkakahalaga ng US$7,500  at (d) repatriation cost para sa mga manggagawa kabilang na ang  kanilang pamasahe pauwi  ng Pilipinas.

Sakaling namatay, insurance provider ang dapat na mag-ayos at magbayad ng pag-uwi sa labi ng OFW.

AN ACT AMENDING REPUBLIC ACT NO

CONSUELO A

EDUARDO T

FIRST VICE PRESIDENTS

MIGRANT WORKERS AND OVERSEAS FILIPINOS ACT OF

OVERSEAS PLACEMENT ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

PIONEER INSURANCE

PIONEER LIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with