MANILA, Philippines - Isang dating pulis na ang negosyo noong araw ay junkshop pero saksakan na umano ng yaman ngayon ang inireTreklamo dahil mahilig raw makialam sa lahat ng transaksyon ng anak na pulitiko.
Ayon sa mga constituents nito, ang tatay ng pulitiko na kinilala lamang sa alias “Tom” ang nagpapatakbo raw ng lahat na operasyon ng anak at “puppet” lang ang pulitiko.
Sabi naman ng ilang transport groups, protector din umano ang ama sa ilang illegal terminal sa lugar kaya nagrereklamo ang mga driver dahil ang kanilang kinikita ay napupunta na lamang sa “tong collection”.
Mistula umanong diktador ang tatay ng pulitiko kaya’t marami ang natatakot dito at hindi makapalag na constituents nito.
Dati na umanong sinampahan ng patung-patong na kaso sa graft court si “Tom”.
Muling papalaot sa 2013 elections ang anak at malamang umano na matalo na ito dahil sa pakikialam ng ama sa kanyang trabaho.