^

Bansa

Ex-pulis inireklamo, nakikialam sa trabaho ng anak na pulitiko

Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang dating pulis na ang negosyo noong araw ay junkshop pero saksakan na umano ng yaman ngayon ang inire­Treklamo dahil mahilig raw makialam sa lahat ng transaksyon ng anak na pulitiko.

Ayon sa mga constituents nito, ang tatay ng pulitiko na kinilala lamang sa alias “Tom” ang nagpapatakbo raw ng lahat na operasyon ng anak at “puppet” lang ang pulitiko.

Sabi naman ng ilang transport groups, protector din umano ang ama sa ilang illegal terminal sa lugar kaya nagrereklamo ang mga driver dahil ang kanilang kinikita ay napupunta na lamang sa “tong collection”.

Mistula umanong diktador ang tatay ng pulitiko kaya’t marami ang natatakot dito at hindi makapalag na constituents nito.

Dati na umanong sinampahan ng patung-patong na kaso sa graft court si “Tom”.

Muling papalaot sa 2013 elections ang anak at malamang umano na matalo na ito dahil sa pakikialam ng ama sa kanyang trabaho.

 

vuukle comment

ANAK

AYON

DATI

ISANG

MISTULA

PULITIKO

SABI

TREKLAMO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with