Pinoy todas sa Mexico blast!
MANILA, Philippines - Isang Pinoy ang nasawi habang apat pa ang kritikal at isa ang na wawala matapos sumabog ang isang oil rig sa ka ragatang sakop ng Port of Mexico, USA kahapon.
Ang Pinoy na hindi muna pinangalanan ay namatay habang ginagamot sa Baton Rouge General Hospital sa Louisiana bunsod ng sunog at sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Asec. Raul Hernandez, inatasan na ni Ambassador Jose Cuisia Jr. ng Embahada ng Pilipinas sa Washington D.C. ang kanilang welfare officer na puntahan ngayong araw sa ospital ang mga Pinoy na sugatan at alamin kung anong tulong ang maibibigay sa mga biktima kabilang ang repatriation sa labi ng nasawi at pakikipag-ugnayan sa kanilang pamilya sa Pilipinas.
Ayon kay Cuisia, pansamantalang itinigil ng US Coast Guard pasado alas-5:25 ng hapon (oras sa US) kahapon ang paghahanap sa nawawalang Pinoy nang dumilim na sa lugar.
Unang iniulat na 15 Pinoy ang nasugatan sa insidente kabilang na ang apat na nasa seryosong kalagayan habang dalawang Pinoy ang nawawala.
Sa report ng US Coast Guard, naganap ang pagsabog at pagsiklab ng apoy sa isang bahagi ng oil platform ng Black Elk Energy Company na matatagpuan may 20 milya southeast ng Grand Isle.
Nagkamali umano sa ginamit na cutting equipment sa isang puputuling linya ng oil rig na imbes cutting device ay isang cutting torch ang ‘di sinasadyang nagamit umano ng mga manggagawa sanhi ng biglaang pagsiklab ng apoy na sinundan ng pagsabog.
- Latest