^

Bansa

4,000 kababaihan sa Navotas, benepisyaryo ng Cervical Cancer Screening Program

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaigting ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pagkakaloob ng mas maraming    serbisyong pangkababaihan na may kinalaman sa kanilang kalusugan sa pamamagitan ng kanilang Gender and Development (GAD) Council sa pangunguna ni Mayor John Reynald M. Tiangco.

Ito’y matapos matuklasan sa ginawang pag-aaral na sa 10 nangu­ngunang  sanhi ng cancer mortality sa lungsod, tatlo rito ay dumadapo sa mga kababaihan, kabilang ang   breast, cervical at uterine cancer.

Kamakailan lamang  ay naki-tied up ang pamahalaang lungsod sa Glaxo SmithKline at Bravehearts Foundation Inc. sa paglulunsad ng advocacy campaign na “Big Fight Against Cervical Cancer” na nagpo-promote sa cervical cancer awareness at prevention.

Dahil dito, pinalakas at pinalawak ng GAD Council, ang kanilang Cervical Cancer Screening Program na naglalayong maagang ma-detect ang cervical cancer para mabawasan ang bilang ng nasasawi rito.

Ang aktual Cervical Cancer Screening ay sinimulan noong Marso 7, 2012 at magtatapos sa  December 5, 2012.

BIG FIGHT AGAINST CERVICAL CANCER

BRAVEHEARTS FOUNDATION INC

CANCER

CERVICAL

CERVICAL CANCER SCREENING

CERVICAL CANCER SCREENING PROGRAM

DAHIL

GENDER AND DEVELOPMENT

MAYOR JOHN REYNALD M

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with