^

Bansa

M’cañang dumepensa sa Sin Tax

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iginiit ng Malacañang na masyadong exagge­rated ang mga ulat laban sa Sin Tax bill.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin La­cierda, walang katotohanan na 1,000 percent ang magiging pagtaas sa presyo ng sigarilyo sa sandaling maaprubahan ng Senado ang Sin Tax Reform Bill.

Sabi ni Sec. La­cierda, sa kasalukuyan ay nasa P2.72 ang sin tax sa sigarilyo at kapag naaprubahan ng Senado ang nasabing bill ay magiging P12 na ipapataw na sin tax sa sigarilyo hanggang sa maging P22 ito sa susunod na taon hanggang sa P32 naman pagdating sa 2016.

Kahit itaas ang Sin tax sa sigarilyo sa bansa ay ito pa rin ang maituturing na pinaka-murang sigarilyo sa Asia-Pacific.

Sabi ni Lacierda, ang pinakamurang sigarilyo sa Thailand ay nagkakahalaga ng P72 habang ang pinakamurang local brand ng sigarilyo sa Pilipinas ay P15 at kahit maaprubahan ang sin tax ay magiging P26 ang pinaka-murang sigarilyo sa bansa.

Napag-alaman pa ng Palasyo na ang pinakamurang sigarilyo naman sa Vietnam ay P26 habang P48.50 naman ang lowest price ng sigaril­yo sa Indonesia kung saan ay lumilitaw na ang pinakamurang sigarilyo pa din ay nasa Pilipinas kahit maaprubahan ang Sin Tax reform bill.

Idinagdag pa ni Lacierda, dapat malaman din ng publiko na ang Pilipinas ay signatory sa World Health Organization framework on tobacco control kasama ang 177 bansa kung saan ay inirekomendang itaas sa 70 percent ang excise tax ng tobacco.

Ang ibang bansa na signatory sa WHO convention on tobacco control ay nagpataw ng 75 percent tax sa retail price ng sigarilyo kaya kahit maaprubahan ang Sin Tax reform bill ay lilitaw na 60 percent lamang ang ipinataw nating buwis.

Dagdag pa ni Lacierda, kahit maaprubahan ang nasabing batas sa pagbubuwis ng sigarilyo ay mananatiling ‘kikita’ pa din ang mga tobacco companies sa bansa.

vuukle comment

EDWIN LA

LACIERDA

PILIPINAS

SABI

SENADO

SIGARILYO

SIN

SIN TAX

SIN TAX REFORM BILL

TAX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with