^

Bansa

DOJ probe vs P12-B scam

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumuo na ang Department of Justice (DoJ) ng panel of prosecutors na mag-iimbestiga sa P12 bilyon na pyramiding scam na kinasangkutan ng Aman Futures Group Philippines Inc.

Ayon kay prosecutor general Claro Arellano, binabalangkas na ang pagbuo ng panel of pro­secutors na dadaan sa pag-apruba ni Justice Secretary Leila de Lima.

Napag-alaman na tinatayang nasa 15,000 katao mula sa Visayas  at Mindanao mula sa iba’t ibang sektor ang nabiktima ng nasabing kompanya.

Sinasabing nag-aalok ito ng interes na 30 hanggang 80 porsyento sa perang kanilang ilalagak.

Hanggang ngayon ay hindi nagpapakita ang pinuno ng naturang kompaniya na si Manuel Amanlilio at anim pang mga kasamahan nito.

Simula nitong Setyembre inulan ng reklamo ang NBI mula sa mga investor matapos tumalbog ang tseke na inisyu ng Aman.

Inaalam na  rin ni de Lima sa Bureau of Immigration kung nasa bansa pa ang mga sangkot sa pyramid scam. 

Una rito, 10 pulis kabilang ang hepe ng Pagadian City Police Station ang sinibak sa puwesto kaugnay ng kabiguang maresolba ang kontrobersyal na pyramiding scam na umano’y binibigyang proteksyon ng mga tiwa­ling parak.

AMAN

AMAN FUTURES GROUP PHILIPPINES INC

AYON

BUMUO

BUREAU OF IMMIGRATION

CLARO ARELLANO

DEPARTMENT OF JUSTICE

JUSTICE SECRETARY LEILA

MANUEL AMANLILIO

PAGADIAN CITY POLICE STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with