^

Bansa

Pang-noche buena magmamahal

Doris Franche-Borja, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpaalala na sa pub­liko ang Philippine Association of Supermarkets Inc. (PASI) na dapat nang paghandaan ang inaasa­hang pag­tataas sa presyo ng mga produkto na pang-Noche Buena pagsapit ng buwan ng Dis­yembre.

Sinabi ni PASI President Federico Ples na sa susunod na buwan ay inaasahang gagalaw ang presyo ng Noche Buena items tulad ng pasta, tomato sauce, pineapple chunks at iba pang sangkap.

Pinayuhan nito ang mga mamimili na saman­talahin na ang kabi-kabilang “sale” o “promo” nga­yon sa mga supermarket para makapag-stock na ng mga produkto. Kung hindi naman kaya ng bultuhan, dapat umanong unti-unti nang bumili ng mga ihahanda lalo na iyong mga hindi nasisira tulad ng mga pasta, at pangsangkap.

Samantala, nagpa­alala rin ang Food and Drugs Authority (FDA) sa publiko na umiwas sa pagbili o pagregalo sa mga bata ng mga laruang may mga maliliit na parte na nababaklas partikular na ang “bubble making whistle” o pito.

Ito’y makaraang makatanggap ng ulat ang FDA na may isang 3-taong gulang na bata ang isinugod sa pagamutan at nag-kri­tikal makaraang makalunok ng nabaklas na parte ng naturang laruan.

Pinaalalahanan ng FDA ang mga magulang na tiyakin na ligtas ang mga laruang binibili sa mga anak lalo na iyong mga isinusubo tulad ng mga pito at tiyakin ang kalidad ng mga ito.

DRUGS AUTHORITY

NAGPAALALA

NOCHE BUENA

PHILIPPINE ASSOCIATION OF SUPERMARKETS INC

PINAALALAHANAN

PINAYUHAN

PRESIDENT FEDERICO PLES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with