^

Bansa

OFW pauwi na, nagbigti sa Malaysia!

The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang 30-anyos na overseas Filipino worker na nakatakda na sanang umuwi sa Pilipinas ang natagpuang patay matapos na umano’y magbigti sa loob mismo ng OWWA Center sa Malaysia.

Ayon sa Overseas Workers Welfare Admi­nistration, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Malaysian authorities hinggil sa pagkamatay ng hindi pa pina­ngalanang Pinay na tubong Visayas.

Ang naturang OFW ay natagpuang nakabitin sa loob ng banyo ng nasabing center at wala nang buhay.

Nabatid na dati na umanong nagtangkang magpakamatay ang nasabing Pinay dahil sa pagkakaroon ng alitan sa kanyang amo.

Ayon kay OWWA Administrator Carmelita Dimzon, bibigyan nila ng kaukulang assistance ang pamilya ng biktima kabilang na ang P220,000 death at burial benefits ng huli. Inaayos na rin ang repatriation sa mga labi nito.

vuukle comment

ADMINISTRATOR CARMELITA DIMZON

AYON

CENTER

INAAYOS

ISANG

NABATID

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMI

PILIPINAS

PINAY

VISAYAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with