^

Bansa

5 lalawigan ligtas na sa red tide

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maaari nang makain ang shellfish tulad ng tahong, talaba at halaan mula sa limang lalawigan sa bansa matapos ideklara ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ligtas na sa lason ng red tide ang mga baybayin dito.

Ayon kay BFAR Chief Asis Perez, dahil wala na ang lason ng red tide, lifted na ang ban sa paghango, pagbenta at pagkain ng shellfish mula sa karagatan ng San Pedro, Cancabato at Carigara Bays sa Leyte; Biliran waters sa Biliran Province; Hinatuan, Bislig at Lianga Bays sa Surigao del Sur; Balite Bay sa Mati, Davao Oriental at sa Tangines Lagoon sa Benoni Mahinog, Camiguin Island. 

Dati nang libre sa red tide toxin ang Manila bay tulad ng baybayin sa Cavite, Las Piñas, Parañaque, Navotas at Bulacan gayundin sa baybayin ng Bolinao, Anda, Alaminos at Bani sa Pangasinan.

Tanging ang  Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur at Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte ang nananatiling mataas sa lason ng red tide kayat pinapayuhan ng BFAR ang mga residente doon na huwag kainin ang shellfish dito para makaiwas sa aberya o pagkalason.

Maaari namang hulihin at kainin ang isda at pusit mula sa Dumangquilas at Murcielagos bay bastat alisan lamang ang bituka at hasang at lini­sing mabuti bago lutuin at kainin.

BALITE BAY

BENONI MAHINOG

BILIRAN PROVINCE

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

CAMIGUIN ISLAND

CARIGARA BAYS

CHIEF ASIS PEREZ

DAVAO ORIENTAL

DUMANQUILLAS BAY

LAS PI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with