MANILA, Philippines - Posibleng makansela na naman ang barangay elections at mapalawig pa ng dalawang taon ang termino ng mga kasalukuyang opisyal.
Ito’y sa sandaling maihabol ng Kongreso ang pagsasabatas ng panukalang inaprubahan ng House Committee on Local Government at naiakyat na sa plenaryo para sa ikalawa at ikatlong pagbasa.
Nakasaad dito na ang barangay election ay gagawin na sa huling Lunes ng Oktubre 2015.
Mula pa sa kasalukuyang tatlong taong termino ay pahahabain ito sa limang taon at papayagan ang dalawang re-eleksyon.
Kayat ang ibig sabihin nito ay maaaring manungkulan ang mga barangay officials ng hanggang 15 taon.
Itinatakda din na maaaring mapatalsik ang barangay officials na abusado sa pamamagitan ng recall elections.