^

Bansa

Haresco nagbabala sa ‘oil peak’

Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nagbabala si Ang Kasangga partylist Rep. Teodorico T. Haresco na magka-”oil peak” sa taong 2015 kaya hinikayat niya ang gobyernong Aquino na baguhin ang energy profile nito gaya ng taripa na ipinapataw sa mga alternatibong enerhiya at iyong mga tinatawag na e-vehicles upang mas makahikayat sa local industry na mag-invest sa mga green ener­gy.

Binanggit ni Haresco ang “Peak Oil” theory kung saan ang natural oil reserves worldwide ay tinatayang bababa ng below 50%, habang magi­ging napakahirap at magastos para makakuha pa ng karagdagang source ng langis. Ito umano ang isa sa mga magiging batayan ng pres­yuhan worldwide.

“Other circumstances, such as unrest in key Middle Eastern oil producing nations and China’s insatiable appetite for energy, will also worsen the speculation,” sabi pa ni Haresco.

Ayon sa kongresista, ang mga mauunlad na bansa ay pinalalakas na ngayon ang kanilang green fuels bilang alternatibong enerhiya. 

Mismong si Haresco ay nag-pioneer ng solar at battery powered E-trike, isang public utility vehicle na hindi guma­gamit ng krudo kaya walang usok at noise pollution free.

ANG KASANGGA

AQUINO

AYON

BINANGGIT

HARESCO

MIDDLE EASTERN

MISMONG

PEAK OIL

TEODORICO T

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with