Paggamit ng mga pulitiko sa mga CAFGU, sisiyasatin
MANILA, Philippines - Pinasisiyasat ni Muntinlupa Rep.Rodolfo Biazon ang mga ulat na ginagamit ng mga lokal na pulitiko ang mga miyembro ng Citizens Armed Force Geographical Unit (CAFGU) bilang kanilang private armies o bodyguards.
Ayon kay Biazon, chairman ng House Committee on National Defense and Security, bukod sa pagiging private armed group mayroon din umanong impormasyon na sangkot ang mga CAFGU sa mga insidente ng pagpatay at iba pang illegal na gawain.
Naghain na ng House Resolution 2836 si Biazon na humihiling na tukuyin kung naipatutupad ang orihinal na intensyon sa pagbuo ng CAFGUs sa ilalim ng Executive Order 264 at Republic Act 7077.
Aniya, dapat umanong linawin ang misyon, komposisyon, training, funding,control at superbisyon ng mga CAFGU.
Sa ilalim ng RA 7077, trabaho ng mga CAFGU na panatilihin ang local peace and order, tugunan ang local insurgency threat at umalalay sa rescue at relief operations sa tuwing panahon ng kalamidad.
- Latest