^

Bansa

CAAP, palpak sa pagtaboy sa mga ibon

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Palpak ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa pagpapalayas ng mga ‘migratory birds o egret’ kaya naman maraming piloto ang nagrereklamo dahil nalalagay sa panganib ang kanilang buhay at mga pasaherong sakay nila kapag umaalis o dumarating sa runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa isang opisyal ng CAAP na ayaw ipabanggit ang pangalan para sa kanyang sariling seguridad ito aniya ay karagdagan trabaho sa kanila para itaboy ang mga ‘migratory birds’ na mistulang pulutong sa isang lugar ng damuhan sa may runway ng NAIA.

“Talagang nalalagay sa panganib ang mga sakay ng eroplano oras na pumasok ang mga ibon sa makina at pakpak ng eroplano”. anang opisyal ng CAAP.

Aniya, napakaraming reklamo na ang kanilang natatanggap pero wala silang paraan para palayasin ang mga ibon, hindi naman basta puwedeng patayin na lamang ang mga ito dahil malaking isyu ito sa domestic at international welfare ng mga hayop.

Sinabi naman ni CAAP deputy director Capt. John Andrews, mamumuhunan sila para bumili ng apat na motorsiklo upang magamit sa lugar kung nasaan ang mga ibon dahil ayaw mabulabog kapag kumakain o nagpapahinga sila sa isang bahagi ng NAIA.

“Gagamitin namin ng 6:00am to 6:00pm ang mga motorisiklo para itaboy ang mga ibon sa runway”. ani Andrews.

 

ANIYA

AYON

CAPT

CIVIL AVIATION AUTHORITY OF THE PHILIPPINES

GAGAMITIN

JOHN ANDREWS

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PALPAK

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with