Walang Pinoy sa lindol sa Canada
MANILA, Philippines - Walang Pinoy ang nasugatan o naapektuhan sa naganap 7.7-magnitude na lindol sa Canada kamakalawa ng gabi
Ayon kay DFA spokesperson Raul Hernandez, wala pang natatanggap ang Phl post na ulat na may Pinoy na naapektuhan sa pagyanig ng lupa na tumama sa Queen Charlotte Islands na isang remote area.
Sinabi ni Hernandez na malayo ang nasabing lugar sa kinaroroonan ng mga Pinoy na karaniwang nakatira o nagtatrabaho sa Vancouver.
Sa ulat ng United States Geological Survey, ang epicenter ng lindol ay natagpuan may 139 kilometro sa timog ng Masset dakong alas-11:04 ng gabi.
Dahil sa malakas na lindol, nagpalabas ng tsunami warning alert sa Hawaii matapos na tumama ang malalaking alon na umaabot sa 7 talampakan sa unang bugso nito.
Ang malakas na lindol ay sinundan ng may 5.8 magnitude na aftershock bandang alas-11:14 ng gabi sa nasabi ring lugar.
- Latest