^

Bansa

Stem cell therapy ‘wag katakutan

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi umano dapat na katakutan ng publiko ang stem cell therapy.

Ito ang nilinaw nina Dr. Jim de Castro at  Dr. Frankling Domingo, na nagpa­kadalubhasa sa stem cell therapy sa Harvard University sa ginanap na Balitaan sa Tinapayan.

Ayon kay Dr. Domingo, walang panganib sa stem cell therapy na ngayon ay ginagamit na panguna­hing medisina sa Estados Unidos.

Anila, galing mismo sa pasyente ang stem cell therapy na kinukuha nila mula sa bone marrow, dugo at fats na ka­nilang ini-inject sa masakit na bahagi ng katawan ng pasyente gaya ng tuhod at iba pa na dulot ng arthritis.

Sinabi ni Dr. de Castro na marami na ang su­musubok sa nasabing the­rapy dahil sa paniniwalang mas madali ang gamutan nito  at mas matipid.

Ngunit pinapayuhan ni de Castro ang publiko na mas mabuting panatili­hing maging malusog ang pangangatawan,walang bisyo upang  maging ma­ganda ang kalalabasan ng isasagawang stem cell therapy kapag malinis ang dugong makukuha na siya ring ituturok sa katawan ng isang pasyente.

Una nang nanawagan si Health Secretary Enri­ que Ona sa publiko na ipag­paliban muna ang mga ine-schedule nilang pagpapasailalim ng stem cell therapy, lalo’t hindi alam kung anong pro­seso ang ginagawa sa naturang therapy, lalo na umano yung ginagamitan ng stem cells na mula sa hayop.

ANILA

DR. DOMINGO

DR. FRANKLING DOMINGO

DR. JIM

ESTADOS UNIDOS

HARVARD UNIVERSITY

HEALTH SECRETARY ENRI

SHY

STEM

THERAPY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with