^

Bansa

Sin tax pondo sa RH bill?

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dapat umanong tiya­kin ng Department of Health (DoH) na ang sa­laping makukuha sa buwis mula sa sigarilyo at alak ay ‘di gagamiting pang-tustos sa Reproductive Health (RH) bill na kasalukuyang pinagtatalunan ngayon sa Kongreso.

Ayon sa grupo ng mga mag-aaral mula sa University of the Philippines sa pamumuno ni Jake Silo, lider kabataan, tiyak na mangangailangan ng malaking halaga ang DoH para sa mga RH bill programs tulad ng pa­mi­migay ng libreng condoms at pills sa pagpaplano ng pamilya.

Sa laki umano ng pon­dong inaasahan ng DoH mula sa sin tax, na­babahala ang mga mag-aaral at maging ang mga magsasaka na gagamitin sa paraang labag sa batas na moral at batas ng Simbahan ang naturang salapi.

Tiyak din anyang tututol ang Simbahang Katolika kaya’t dapat maging transparent o malinaw ang health issues na paggagamitan ng buwis mula sa alak at sigarilyo.

Una rito, kinuwes­tyon ni Budget Secretary Butch Abad ang kakayahan ng DoH at PhilHealth na pangalagaan at gastusin ng wasto ang bil­yong pisong pondo mula sa isinusulong na ‘sin tax’.

Sa isang forum kama­kailan, tinanong ni Abad kung saan at paano gagastusin ng dalawang ahensya ang inaasahang P30 bilyong makokolekta mula sa sin tax gayong mahina umano ang absorptive capacity o kakayahang maghawak ng pondo ng DOH. Dahil dito, iminungkahi niya na dapat ay makialam ang Kongreso dito.

Sa panukalang sin tax, 85 porsyento ng ki­k­i­­­tain mula sa bagong bu­­wis ang ilalaan sa DOH at PhilHealth at 15 por­syento lamang ang mauuwi sa kapakanan ng mga magsasaka ng tabako.

Halos sabay na tina­talakay at parehong prio­rity bills ang RH at sin tax bills kung kaya’t ma­raming anti-RH advocates ang nababahala na magkaugnay ang da­lawa.

Ang RH bill na nagsusulong sa pagpaplano ng family planning ay ta­hasang sinasalungat ng Simbahang Katolika, samantalang tinututulan naman ng mga magsasaka mula sa Ilocos ang labis-labis na pagtataas ng buwis sa tabako.

ABAD

BUDGET SECRETARY BUTCH ABAD

DEPARTMENT OF HEALTH

JAKE SILO

KONGRESO

MULA

REPRODUCTIVE HEALTH

SHY

SIMBAHANG KATOLIKA

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with