Sa legalisasyon ng prostitution Imoralidad lalala - CBCP
MANILA, Philippines - Posibleng maging daan ng paglaganap ng imoralidad sa bansa ang legalisasyon ng prostitution.
Naniniwala si Catholic Bishops Conference of the Philippines-National Secretariat for Social Action Justice and Peace (CBCP-NASSA) chairman Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na mawawala ang pagiging banal at sagrado ng human sexuality kapag legal na ang prostitusyon bukod pa sa sisirain nito ang mga pamilyang Filipino.
Paliwanag ni Pabillo, ang usapin ng prostitusyon ay hindi lamang isyu sa paglaganap ng sakit na HIV-AIDS kundi ang mababang pagtingin sa pakikipagrelasyon o “promiscuity”.
“Hindi tama ang kanilang premise na kapag ma-legalize ang prostitusyon ay maiiwasan ang sakit na HIV-AIDS. Kahit sa ibang bansa na legal ito ay laganap pa rin ang HIV-AIDS at mas malala pa yung promiscuity,” ani Bishop Pabillo.
Binigyan diin ng Obispo na ang pagle-legalize ng prostitution ay hindi makakatulong kundi mas lalo pang magdadagdag ng sakit at kahirapan sa maraming Filipino.
Dagdag pa nito, ang tunay na karapatan ng mga kababaihan ay bigyan sila ng marangal na trabaho.
- Latest