^

Bansa

Veritas survey: kelot talo sa toma ng bebot!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kung noong unang panahon ay talo ng mga kelot ang mga bebot pagdating sa inuman, ngayon ay lugmok at lasing na ang mga lalaki pero ang mga babae ay nagsisimula pa lang na ganahan sa ‘pagtoma’.

Ito ang lumalabas sa isinagawang survey ng Veritas Truth Survey (VTS) kung saan ay mas mataas ang bilang ng mga babaeng mahilig uminom ng beer kum­para sa mga lalaki.

Sa naturang survey, nabatid na 52 porsiyento ay mga manginginom na babae kumpara sa mga lalaki na  48% lang.

Napag-alaman din na majority ng  ‘alcoholic beverage drin­kers’ ay nagkakaedad nang mula 19 hanggang 25 na sumasaklaw sa 25.55 porsiyento kasunod nito ang mga nagkakaedad ng 29 hanggang 35 sa bilang na 14.38%. Pinakabata naman sa manginginom ay 13-anyos.

Mas marami naman, o 41% ng mga sumusuweldo ng mula P5,000 hanggang P14,999 ang mas madalas uminom at kumpara sa mga sumasahod nang mula P15,000 hanggang P24,999 na 26% lamang.

Kapuna-puna rin na 57% ng mga may asawa ang mahilig uminom kumpara sa mga single na 43%.

Sa kabuuan, naitala ng VTS na 66% na porsiyento ng mga Pinoy ay beer drinkers.

vuukle comment

HANGGANG

KAPUNA

KUMPARA

LALAKI

NAPAG

PINAKABATA

PINOY

VERITAS TRUTH SURVEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with