^

Bansa

MMDA chairman Tolentino kinasuhan

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinasuhan ng isang kumpanya si MMDA chairman Francis Tolentino dahil sa pag-abuso nito nang ideklarang failure of bidding sa P300 milyong traffic signal kahit na hindi awtorisadong gawin ito.

Bukod kay Tolentino, kasama sa kinasuhan  sina Edenison Fainsan, Chair of the Bids and  awards Committee (BAC) ng MMDA; Lydia Domingo; Amante Salvador; Rochelle Macapili-Ona; Noemi Recio, pawang miyembro ng BAC at Emerson Carlos, Chairman ng “Special” BAC para sa re-bidding ng proyekto. Sa reklamong isinampa ni Engr. Efren Abratique, presidente at CEO ng Abratique and Associates and First United Constructors Corp., sa Makati Regional Trial Court noong Oktubre 9, hiniling ng kumpanya sa korte na magsagawa ng review at agad mag-isyu ng Temporary Restraining
Order (TRO) at writ of injunction laban kay Tolentino at sa anim na iba pa.

Kinuwestyon ng kumpanya ang proseso ng bidding partikular ang pagpayag ng MMDA-BAC sa pagsali ng banyagang contractor na walang lisensya mula sa Philippine Contractors Accreditation Board kasabay ang pagtuligsa sa kautusan ni Tolentino na ideklarang failure of bidding.

ABRATIQUE AND ASSOCIATES AND FIRST UNITED CONSTRUCTORS CORP

AMANTE SALVADOR

CHAIR OF THE BIDS

EDENISON FAINSAN

EFREN ABRATIQUE

EMERSON CARLOS

FRANCIS TOLENTINO

LYDIA DOMINGO

MAKATI REGIONAL TRIAL COURT

NOEMI RECIO

TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with