^

Bansa

K-12 lusot na sa Kamara

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaprubahan na sa Kamara ang K-12 program na naglalayon na dagdagan ng dalawang taon ang kasalukuyang 10-taon education program sa bansa.

Sa kabila ng pagtutol nina Kabataan Rep. Raymond Palatino at Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan, naipasa pa rin ito sa ikalawang pagbasa sa pamamagitan ng viva voce vote o sa pamamagitan ng “aye” or “ nay”.

Pansamantala naman itinigil ang session matapos magsisigaw ang grupo ng mga kabataan na miyembro ng League of Filipino Student bilang protesta sa K-12 program at mabilis din binitbit palabas ng security personnel ng Kamara.

Giit nina Palatino at Ilagan na ang bagong programa ay hindi solusyon sa kasalukuyang mahinang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Sa halip umano ay dapat na humanap na lamang ang pamahalaan ng solusyon sa kawalan ng guro, classrooms at education materials kaysa dagdagan ng dalawang taon ang kasalukuyang programa sa edukasyon gayundin ang pagsama sa technical vocational courses.

 

vuukle comment

GABRIELA REP

GIIT

ILAGAN

INAPRUBAHAN

KABATAAN REP

KAMARA

LEAGUE OF FILIPINO STUDENT

LUZVIMINDA ILAGAN

PALATINO

RAYMOND PALATINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with