^

Bansa

Pagre-export ng dolphins pinatitigil

- Angie dela Cruz - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Iginiit ng environment at animal welfare groups sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Department of Agriculture (DA) na itigil ang pagre-export sa 25 Solomon Island dolphins sa Singapore na ngayon ay nasa pangangalaga ng Ocean Adventure Park sa Subic.

Sa halip, hiniling ng naturang grupo sa pamahalaan na ibalik na lamang ang naturang mga dolphin sa pinagmulan nito sa Solomon Islands.

Mula 2008, kabu­uang 25 wild-caught dolphins ang na-import ng Resorts World Singapore (RWS) ng Pilipinas mula sa  Solomon Islands kahit na may scientific reports mula sa International Union for the Conservation of Nature (IUCN) na nagpapakita na ang mga nakuhang  wild dolphins mula sa Solomon Islands ay hindi makaka­tulong at hindi dadami sa bansa.

Mula January 2012, ang Solomon Island go­vernment ay nagbawal na hulihin ang kanilang mga dolphin dahil hindi ito makabubuti para sa kanila.

Ayon sa Solomon government, isang dolphin lamang ang maaaring makuha sa kada 5 taon para masustinihan ang kanilang pagdami.

Nagpalabas na ng kautusan ang QC court na huwag nange-export ang mga dolphin papuntang Singapore.

AYON

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

CONSERVATION OF NATURE

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

INTERNATIONAL UNION

MULA JANUARY

OCEAN ADVENTURE PARK

RESORTS WORLD SINGAPORE

SOLOMON ISLAND

SOLOMON ISLANDS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with