^

Bansa

Petisyon vs impeachment ni Corona ibinasura na ng SC

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tuluyan nang isinara ng Korte Suprema ang pintuan nito sa lahat ng mga petisyon na kumukuwestiyon sa impeachment case ni dating Chief Justice Renato Corona.

Sa tatlong pahinang resolusyon ng Supreme Court En Banc, wala na umanong pangangaila­ngan para talakayin pa ang mga constitutional issue na may kinalaman sa kaso.

Kabilang sa mga kinukwestiyon sa impeachment case ay ang ligalidad ng mga lagda ng mga Kongresista na naghain ng impeachment complaint laban kay Corona.

Ayon sa Korte, maituturing ng moot and academic ang mga nasabing petisyon dahil may naita­laga nang bagong punong mahistrado at wala na rin sa kapangyarihan si Corona.

Tinukoy din ng korte na kaagad namang tinanggap ni Corona ang hatol sa kanya nang walang protesta nang siya ay ma-impeach sa pwesto nuong May 29, 2012.

vuukle comment

AYON

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

KABILANG

KONGRESISTA

KORTE

KORTE SUPREMA

SUPREME COURT EN BANC

TINUKOY

TULUYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with