SC kukuha ng 2,000 legal IT assistants

MANILA, Philippines - Handa ang Korte Suprema na tumanggap ng  mahigit 2,000 legal assistants at mga Information Technology assistants bilang bahagi ng kanilang ginagawang reporma sa judicial system upang mapadali ang paglutas ng backlog cases sa hudikatura.

Ayon kay Chief Justice Maria Lourdes P. Aranal-Sereno, mayroon ngayong mahigit na 600,000 nabin­bin na kaso sa iba’t ibang korte sa bansa na nais masolusyunan ng Korte Suprema.

Bukod sa legal assistants, kukuha rin ng IT assistants na itatalaga sa opisina ng mga hukom para sa centralized reporting.

Layon naman nito na maiparating agad sa Korte Suprema ang mga nangyayari o status ng mga dinidinig na mga kaso mula sa iba’t ibang hukuman sa bansa.

Show comments