^

Bansa

Mayor inireklamo sa Ombudsman

- Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Kinasuhan sa Office of the Ombudsman ang isang alkalde ng lalawigan ng Nueva Ecija ng kanyang  pitong konsehal kaugnay ng umano’y pagtanggi nitong ipatupad ang utos ng Department of Budget and Management (DBM) na iimplementa ang salary grade allocation ng mga konsehales nito na iniutos ng BDM sa pamamagitan ng circular noong Hulyo 2008.

Kasong grave misconduct at usurpation of legislative function ang isinampa nina Cesar Cajucom, Juanita De Leon, Juanito Martin, Albert Bumanlag, Lourdes Celestino, Almario Bernabe at Melody Vegiga dahil patuloy umanong tumatanggi si Aliaga Mayor Marcial Vargas na tanggapin ang implementasyon ng sa­lary schedule para sa first class municipality na aa­yon sa direktiba ng DBM.

Iginiit ng mga ito na mula sa pagiging third class municipality ay umakyat ng hanggang first class municipality ang bayan ng Aliaga kung kaya’t tumaas din ang kita taun-taon ng nasabing bayan.

Nakasaad sa reklamo ng mga ito na ang nasabing munisipalidad ay may sa­lary schedule ng pagiging first class noong Marso 2009.

Subalit tumanggi anila si Vargas na ipatupad ang inilabas na DBM circular at sa halip ay nagpalabas ang una ng oral directive para sa salary grade na pang second class municipality.

Sumulat na rin umano si Nuestra Señor Delas Saleras parish priest Rev. Fr. Danilo Cipriano kay Commission on Audit (COA) commissioner Heidi Mendoza upang matigil na ang iregularidad sa nasabing bayan.

Pinadalhan na rin ng mga nagrereklamo ng sulat si Department of the Interior and Local Government (DILG) Usec. Austere Panadero na hinihiling ng mga ito na pansamantalang suspendehin ang nasabing alkalde habang idinidinig ang kaso sa Ombudsman.

ALBERT BUMANLAG

ALIAGA MAYOR MARCIAL VARGAS

ALMARIO BERNABE

AUSTERE PANADERO

CESAR CAJUCOM

DANILO CIPRIANO

DELAS SALERAS

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

HEIDI MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with