^

Bansa

Jobless darami sa high 'sin tax'

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Malamang magdulot umano ng malawakang pagtatanggal ng trabaho sa hanay ng mga manggagawa ang ipinagpipilitan ng gobyernong Aquino na pagpapatupad ng mataas na buwis para sa sigarilyo o tabacco products.

Ayon kay Gie Relova, representante ng People’s Coalition Against Regressive Taxation (PCART) at secretary general ng Buk­luran ng Mangagawa-National Capital Region, marahas nilang tinututulan ang pagpataw ng panibagong buwis sa produktong tabacco dahil sa umano’y kawalan ng direksyon ng pamahalaan kung saan mapupunta ang perang makukuha para rito.

Giit pa ni Relova, saan umano dinadala ng gobyerno ang pondo sa kalusugan sa pamamagitan ng Philhealth na umabot sa daang bilyong piso gayong hindi umano ito napapakinaba­ngan ng mga mamamayan.

Sinabi naman ni Sa­turnino Destor, pangulo ng Phillippine Tobacco Growers Assosication (PTGA), hindi naman sila tutol sa pagtaas ng buwis sa sigaril­yo dahil batid nila ang pa­ngangailangan ng gobyerno, pero kailangan umanong tugunan din nila ang kahihinatnan ng maraming magsasaka na ang taging ikinabubuhay ay ang pagtatanim ng tobacco.

Sa sandali anyang tumaas ang singilin sa buwis, mababawasan ang mamamayang tatangkilik dito, at magreresulta sa pagbawas din ng produksyon o ani ng bawat magsasaka na umaasa lamang dito.

Bukod dito, hindi lamang umano magsasaka ang maapektuhan kundi maging ang mga maliliit na vendor tulad ng takatak, sari-sari store na kumokolekta lamang ng maliit na kita mula sa sigarilyo at matataasan pa ng buwis na katulad nito.

Hiniling ng grupo sa Senado na huwag ipatupad ang nasabing batas sa excise tax sa halip ay intindihin ang interest ng masa sa sandaling magsimula na ang final deliberation ng tax bill.

AQUINO

AYON

BUK

BUKOD

COALITION AGAINST REGRESSIVE TAXATION

DESTOR

GIE RELOVA

GIIT

MANGAGAWA-NATIONAL CAPITAL REGION

PHILLIPPINE TOBACCO GROWERS ASSOSICATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with